Versuri Artificial October - Kwento

Album: Artificial October - Fragile

I.
Nangarap lamang tayo nung una
Hiniling na sana'y tayo nga
Gumising sa liwanag ng umaga
Sayo ako ay masaya

Nagtiwala ako ng sobra
Nagtiwala ako ng sobra

CHORUS:
Ba't di mo sabihin sa akin ang kwento
Kung bakit tayo naging ganito?
Di ko man ito inaaakala
Wala namang magagawa

II.
May nagawa ba akong masama
At ika'y nawalan ng gana
Bakit mo wawakasan ng bigla
Ang istoryang akala ko'y simula

Pa lamang
Simula pa lamang

CHORUS:
Ba't di mo sabihin sa akin ang kwento
Kung bakit tayo naging ganito?
Di ko man ito inaaakala
Wala namang magagawa

Bridge:
Binigay ko na ang lahat sayo
Bakit ito ang igaganti mo?
Nagsisimula pa lamang ang kwento
Ngunit ito'y tatapusin mo na ngayon
Tapos na tayo

CHORUS:
Ba't di mo sabihin sa akin ang kwento
Kung bakit tayo naging ganito?
Di ko man ito inaaakala
Wala namang magagawa

CHORUS 2:
Ba't di mo sabihin sa akin ang kwento
Kung bakit bigla ka na lang nagbago
Ikaw ay biglang sumuko
Tinapon na lahat ng pangako
Sa isip ko ika'y naglalaho
Naglaho
Lyrics
Aboneaza-te la newsletter
Join the ranks ! LIKE us on Facebook